Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 otso-anyos totoy patay sa sumpak ng amok (1 sugatan)

111414 sumpakBINAWIAN ng buhay ang dalawang batang lalaki makaraan tamaan ng ligaw na bala ng sumpak na pinaputok ng kanilang nagwawalang kapitbahay sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Valenzuela City Medical Center ang mga biktimang sina John Rey Claraval at Timothy Joshua de Leon, kapwa 8-anyos at residente ng Pinagpala Extension, Area 4, Pinalagad, Brgy. Malinta ng nasabing lungsod.

Sugatan din si Ronnie Montemayor, 28, kalugar ng mga biktima, unang nakasagutan ng suspek na si John Carlo Bayagosa, 24-anyos, ng nasabing lugar. Agad naaresto ang suspek sa follow-up operation ng awtoridad.

Sa ulat ni Sr. Supt. Rhoderick Armamento, hepe ng Valenzuela City Police, naganap ang insidente dakong 1 p.m. sa labas ng bahay ng dalawang batang biktima.

Unang nakasagutan ng suspek ang biktimang si Montemayor sa hindi malamang dahilan kaya’t umuwi si Bayagosa at kinuha ang kanyang sumpak.

Nang magsalubong ang dalawa ay tinangka ng suspek na barilin si Montemayor ngunit nahawakan ang sumpak hanggang magpambuno sila.

Sa puntong ito, pumutok ang sumpak kaya tinamaan sa kamay si Montemayor ngunit nasapol din ang dalawang bata na naglalaro sa hindi kalayuan.

Agad isinugod sa nabanggit na pagamutan ang mga biktima ngunit hindi na naisalba ang buhay.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …