Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

160 sticks ng yosi buking sa ari ng 2 misis (Para sa dadalawing preso)

111414_FRONTHINULI ang  dalawang ginang makaraan makompiskahan ng 160 sticks ng sigarilyo na inilagay sa condom at ipinasok sa kanilang ari sa pagdalaw sa dalawang preso sa Pasay City Jail kamakalawa ng hapon.

Base sa ulat na nakarating kay Pasay City Jail (PCJ) warden, Supt. Baby Noel Montalvo, unang nahuli si Angelita Angeles, 46, ng Pasay City, nakompiskahan ng 20 sticks ng Malboro Red Cigarette na nakalagay sa condom at itinago sa kanyang ari.

Dadalawin sana niya ang kanyang asawang si Ricardo Cecilio, may kasong paglabag sa Article II, Republic Act 9165, Section 5 and 12 (Anti Dangerous Drug Act) dakong 2 p.m.

Bandang 3 p.m. nahuli rin ni Jail Officer 1 Louela Penera ang isa pang ginang na si Carmela Cabasa, 44, ng 114-B San Juan St., Pasay City, dadalawin sana ang kanyang stepson na si Jayson Jacinto, miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik at may kasong robbery.

Nakuha kay Cabasa ang 140 stick ng Malboro Red Cigarette na may katumbas na pitong kaha, habang nakabalot sa isang plastic ngunit nakita kanyang ari.

Ayon sa pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Pasay City Jail, bilang parusa, hindi na nila papayagang muling makadalaw sina Angeles at Cabasa dahil sa tangkang pagpuslit nila ng mga kontrabando.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …