maguinDESMAYADO ang Justice Now Movement (JNM) sa naging pronouncement ng Department of Justice (DoJ) na mahirap madesisyonan ang kaso ng Maguindanao massacre bago pa man matapos ang termino ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa 2016.
Partikular na ang pag-convict sa mga Ampatuan na nangungunang suspek sa brutal na pagpatay sa 58 biktima ng masaker noong Nobyembre 23, 2009 sa Sitio Masalay, Brgy. Salman, Ampatuan, Maguindanao.
Ito ang reaksiyon ni Emily Lopez, ang presidente ng JNM, na binubuo ang pamilya ng mga biktima ng masaker.
Sinabi ni Lopez, aminado silang mahirap ang proseso ng kaso ngunit kung ganito ang magiging pahayag ng DoJ, naniniwala silang wala talagang ngipin ang DoJ sa pagpapatupad ng hustisya sa bansa.
Kaugnay nito, hinihiling ng JNM na sana sa paggunita ng ikalimang taon ng masaker sa Nobyembre 23, mabigyan man lamang sila ng kahit konting pag-asa.