Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Solterong sawi pinutol sariling ari (Hindi chickboy lalong walang asawa)

111314 sawiKORONADAL CITY – Dahil sa sobrang kahihiyan, sinabing nag-imbeto ng sariling bersiyon ang kaanak ng lalaking pinutulan ng ari sa lalawigang ito.

Sa pagtutuwid ng pulisya, sinabing umamin ang kaanak ng lalaki na hindi totoo na pinutulan ng ari ng selosang misis dahil sa pagiging sobrang chickboy.

Sa itinuwid na ulat, sinabi ni Alonto Arobinto, chief of police ng Buluan, Maguindanao, soltero ang biktima at walang asawa.

Ayon kay Arobinto, hindi totoong asawa ng biktima ang pumutol ng kanyang ari dahil sa selos kundi siya mismo ang pumutol ng sariling ari dahil sa kabiguan sa pag-ibig at kahirapan sa buhay.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, hindi totoong “Aladin Mangudadatu Mingdawali” ang pangalan ng biktima kundi siya ay si Arub Macalawan Manginla at wala siyang asawa.

Dagdag ni Arobinto, dahil sa sobrang sakit na nadarama makaraan mabigo sa pag-ibig, naglasing ang biktima at nang umuwi ay kumuha ng kutsilyo saka pinutol ang kanyang ari.

Narinig na lamang ng kanyang mga kaanak ang malakas niyang sigaw at nang nakitang duguan ang hinaharap ay agad dinala sa ospital.

Sa South Cotabato Provincial Hospital napagdesisyonan ng pamilya na dalhin ang biktima upang makaiwas sa kahihiyan.

Kamakalawa, nabigo ang mga doktor na maidugtong muli ang ari sa biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …