HINDI kataka-taka kung Rated A ng Cinema Evaluation Board ang pelikulang Relax, It’s Just Pag-Ibig ng Spring Films at ipinamamahagi ng Star Cinema na pinagbibidahan nina Inigo Pascual, Sofia Andres, at Julian Estrada.
Simple at feel good movie ang Relax, It’s Just Pag-ibig na ukol sa mga tin-edyer na naghahanap ng kasagutan ukol sa nakitang sulat ni Sofia na naglalaman ng pagmamahal nina Elias at Salome.
Magagaling ang apat na bagets na bida kasama si Ericka Villongco considering na baguhan lamang sila.
Sa premiere night ng pelikula, maganda ang response ng audience na talaga namang humahagalpak sa tawanan sa mga kuwelang eksena ng apat. Nabigyan nila ng justice ang mga role na ibinigay sa kanila.
Samantala, matagumpay ang premiere night na dinaluhan ng mga kamag-anak ng mga bida. Nakita naming nanood ang dating pangulo at Manila Mayor Joseph Estrada gayundin ang ina ni Julian na si Precy, Piolo Pascual, direk Joyce Bernal at marami pang iba.
Nakatitiyak akong maraming teen-ager ang makare-relate sa pelikulang ito at kahit may edad na tiyak na mag-eenjoy sa Relax, It’s Just Pag-ibig. Kaya watch na kayo peeps kung gusto ninyong maaliw.
ni Maricris Valdez Nicasio