0NANINIWALA ang Palasyo na walang nilabag na batas si Pangulong Benigno Aquino III nang ipaabot kay Senate President Franklin Drilon ang pakiusap ni Vice President jejomar Binay na itigil na ang pag-iimbestiga ng Senado sa sinasabing nga katiwalian at ill-gotten wealth ng bise presidente.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang nakasaad sa Saligang Batas na hindi pwedeng mag-usap ang dalawang opisyal ng pamahalaan hinggil sa mga isyung may kaugnayan sa iba pang mga opisyal ng gobyerno.
“None. Is there anything in the Constitution that the two leaders cannot speak or is there anything in the Constitution that states that they cannot speak about matters concerning other officials?” ani Valte.
Binigyang diin ni Valte na walang hininging pabor ang Pangulo kay Drilon, bagkus ay ipinarating lang niya sa Senate President ang kahilingan ni Binay.
”We do not see anything improper about the pres conveying the message. Walang hiningi ang Pangulo, a message was conveyed lets draw the distinction bet pressure, asking to do something and being merely a conduit to relay a message,” dagdag pa niya.
Rose Novenario