Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Martina Ona, sasabak sa first big concert sa Barcelona, Spain

111314 martina poster

MAGKAKAROON ng concert sina Martina Ona at Maui na pinamagatang Martina and Maui, Back to Back Pre-Xmas Concert. Gaganapin ito sa December 7, 2014 (Sunday), 7:30 p.m. sa Best Western Hotel, Mayorazgo, Calle Flor Baja 3, 28013 Madrid, Spain. Ito ang first big concert ni Martina sa Spain.

Ito ay handog ng Kapisanan ng mga Nagkakaisang Pinoy sa Madrid na isa si Ohjie Gabales sa member at masugid na tumutulong kay Martina. Special guest dito si Ms. Shan Sabio at ang tiket ay nagkakahalaga ng 30 Euros.

Nang dumalaw sa Pilipinas si Martina last year, naging bahagi siya ng ilang shows dito. Kabilang ang benefit concert ni Heber Bartolome sa Ka Freddie’s Music Bar and Restaurant noong November 17, 2013. Naging guest din si Martina sa show nina Tuesday Vargas, Gladys Guevarra, at Ate Gay na pinamagatang Sobrang Patawa at Galing sa Komedya sa Zirkoh noong Oct. 19.

May iba pa siyang guestings sa mga show dito sa Pilipinas, pero ang pinaka-memorable kay Martina ay nang magkaroon siya ng solo-concert sa Music Box Comedy Bar noong Dec. 11, 2013 na pinamagatang La Primera Vez.

Si Martina ay 14 year old na promising singer na idol sina Sarah Geronimo at Angeline Quinto. Third year high school siya sa Escola Pia.

Pangarap ni Martina na magkaroon ng sariling album someday.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …