ni Ed de Leon
SABI ng isang male sexy star na lumalabas din sa mga indie, ”gusto ko naman talagang magpakatino lalo ngayon at may anak na ako, pero minsan napipilitan pa rin ako dahil kulang ang kinikita para suportahan ang pamilya at life style ko”.
Ang tinutukoy niya ay ang kanyang sideline. Iyong kanyang pakikipag-date sa mga mayayamang bading. Hindi alam iyon ng misis niya na tiyak na magwawala basta natuklasan ang totoo. Pero magastos din kasi si misis na noong araw ay nagtatrabaho at malaki ang kinikita bilang GRO sa isang casino-bar. Ngayong hindi na siya nagtatrabaho, ganoon pa rin ang life style nila.
Iyan ang mahirap kung minsan kaya nauuwi nga ang buhay sa ganyan.