Wednesday , December 25 2024

Maging palaban kaya ang Senado kay Drilon?

00 firing line robert roqueNAKATAKDANG humarap si Senate President Franklin Drilon sa mga kapwa senador ngayong araw sa isasagawang imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee sa “overpriced” umanong pagpapatayo ng P700-milyon Iloilo Convention Center (ICC), na bahagyang pinondohan ng pork barrel niya.

Sina Senator Drilon, Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson, at Tourism Secretary Ramon Jimenez Jr., na pawang kinasuhan ng plunder sa Ombudsman, ay patuloy na tumatangging may nalabag na batas sa pagpapatayo ng gusali sa Iloilo.

Mag-i-inhibit daw si Drilon sa pagtatanong ng Senado na nangangahulugang hindi niya kukuwestyonin ang sino man sa mga testigo, pero handa naman daw siyang sumagot sa mga itatanong ng mga kapwa senador.

Inamin ng Senate President na inendorso niya ang proyektong ICC para makatanggap ng kanyang pork barrel, pero itinanggi niya ang mga alegasyon na nagkaroon siya ng bahagi sa konstruksyon o sa naganap umanong overpricing,

Ang tanong sa isipan ng maraming sumusubaybay sa parang sirkus na pagdinig ng Senate Blue Ribbon subcommittee sa mga nakalipas na linggo ay kung magiging palaban din ang mga senador sa Senate President, tulad nang ginawa nila sa pagsisiyasat kay Vice President Jejomar Binay.

Sina Senators Alan Peter Cayetano at Antonio Trillanes na kasama ang kanilang grupo ng mga testigo umano, ang kumuyog sa mga Binay gamit ang mga alegasyon ng iregularidad, at minarkahang “guilty” na ang Bise Presidente at kanyang pamilya bago pa matapos ang imbestigastyon.

Tumanggi si Binay na dumalo sa mga pagdinig na ang hangarin umano ay siraan siya at ang kanyang tsansa na maging pangulo sa 2016. Bukod dito ay hinatulan na raw siyang “guilty” ng mga senador na nagsasagawa nito kahit hindi pa nililitis.

Kahit bumaba nang bahagya ang kanyang ratings sa ilang survey bunga ng sinasabing mga anomalya na ibinunyag sa pagsisiyasat ng Senado, nangunguna pa rin si Binay sa hanay ng mga tatakbong pangulo sa 2016.

Gayon man, ang tumatak sa mga pagdinig ay ang maliwanag na pagkaagresibo nina Cayetano at Trillanes sa pagpokus ng kanilang pag-atake sa Bise Presidente, hindi lang para wasakin ang kanyang tsansa na maging pangulo, kundi alisin siya sa kasalukuyang puwesto.

Karamihan ng kanilang mga testigo ay may mga motibo para gumanti dahil sa pagkatalo sa isang Binay sa mga nakalipas na halalan. Sa kabila nito ay pinayagan silang tumestigo at durugin ang pangalan at integridad ng mga Binay. Kabaligtaran nito ay pinigilan ang mga tagapagsalita ng Bise Presidente na makadalo at magsalita sa mga pagdinig.

Alalahaning si Drilon ay nahaharap sa kasong plunder na tulad ng kay Binay, na kinasuhan sa overpriced umanong konstruksyon ng Makati City Hall building 2. Ang Hilmarc’s Corporation ang kontratista sa likod ng gusali sa Makati at gayon din sa Iloilo Convention Center.

Kung nais ng kagalang-galang nating mga senador na magpauso ng kabangisan sa imbestigasyon ng mga opisyal ng gobyerno at pulitiko “in aid of legislation”, gawin ito sa diwa ng pagkakapantay-pantay at hindi sa pansariling kapakinabangan. Maging mabagsik at gisahin ang bawat suspek o resource person, kahit na ito pa ang inyong Senate President.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert Roque Jr.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *