KAUGNAY ng pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo bilang siyudad, pamumunuan ng Quezon City ang Asia’s largest LGBT film event, ang QC International Pink Film Festival.
Tinatayang umaabot sa 45 pelikula ukol sa mga lesbian, gay, bisexual, at transgender mula sa 15 bansa kasama na ang Pilipinas ang itatanghal sa Trinoma Mall simula Disyembre 9-16.
Kasamang mapapanood dito ang controversial Cannes Film Festival grand prize winner na La Vie d’Adele (Blue is the Warmest Color), ang German gay film na Freier Fall, at ang American documentary na Before We Know It. Mayroon ding mga pelikulang mapapanood mula sa Sweden, Australia, Japan, Indonesia, Malaysia, Cambodia, at Vietnam.
Sa local films naman ay mapapanood ang pelikula ni Joel Lamangan na Lihis; Unfriend ni Jose Altarejos, Ang Huling Cha Cha ni Anita ni Andrea Sigrid Bernardo, at ang Gaydar ni Alvin Yapan.
Mayroon ding three day forum na ang mga guest speaker ay magmumula pa sa Sweden, USA, at Cambodia. Tatalakayin dito ang LGBT rights, health and education.
Magkakaroon din ng Pride March na siyang magisisilbing highlight ng week-long celebration. Tinatayang ito ang pinakamalaking pagtitipong magaganap ng mga LGBT community and supporters na gagawin sa Quezon City Memorial Circle sa Sabado, Disyembre 13. Itatampok dito ang float competition, night party, rainbow booths, fashion show, at ang QC LGBT Rainbow awards, the first of its kind in the country.
Ang QC International Pink Film Festival at QC LGBT Pride March ay proyekto ng Quezon City Pride Council na pinamumunuan ni Direk Soxie Topacio at ng Philippine Initiative on LGBT Pride Advocacy Inc., na pinamumunuan naman ni Nick DeOcampo, na siya ring Pink Festival Director.
Para sa mga nagnanais makapanood ng mga pelikula, please visit www.qcpinkfestival.com or email [email protected].
ni Maricris Valdez Nicasio