ITINANGGI ng nakabakasyong kalihim ng Department of Health (DoH) ang akusasyong may iregularidad sa pagbili ng P833 milyong bakuna noong 2012.
Iginiit ni DoH Secretary Enrique Ona, walang mali sa pagbili ng kagawaran sa pneumoccal conjugate vaccine (PCV)-10 bagama’t sinasabing taliwas ito sa inirekomenda ng National Center for Pharmaceutical Access and Management, Formulary Executive Council at World Health Organization na PCV-13.
Ayon sa kalihim, hindi pa malinaw noon kung ano ang mas mabisa, at mas mura ang PCV-10.
Tiniyak ni Ona na magiging bukas ang DoH sa isinasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).
Bago isiniwalat ni Justice Secretary Leila De Lima na pinaiimbestigahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang isyu, napabalitang hiniling ni Ona na makapagbakasyon sa loob ng isang buwan at sabi ng Pangulo ay may kailangang paghandaang ipaliwanag sa kanila ang kalihim.
Kasama rin sa imbestigasyon si DoH Assistant Secretary Eric Tayag na nag-apruba rin sa naturang PCV-10 procurement.
DOH kinalampag ng health workers vs ebola virus
SUMUGOD ang samahan ng health workers sa tanggapan ng Department of Health (DOH) sa Maynila kahapon.
Binatikos ng Alliance of Health Workers ang sina-sabing kahandaan ng ahensya sakaling makapasok sa bansa ang nakamamatay na Ebola virus.
Inupakan nila ang kakulangan ng facility partikular sa Lung Center of the Philippines na planong pagdalhan ng mga posibleng kaso ng Ebola. Wala anila itong special ward at wala rin training ang mga manggagawa para sa tamang paggamot sa sakit. Giit ng samahan, sinasalamin nito ang kawalang prayoridad ng gobyerno sa kapakanan ng kalusugan ng mamamayan.