Friday , December 27 2024

CAAP officials pinaiimbestigahan

111314 caapNakatanggap tayo ng isang e-mail mula sa concerned CAAP employees na tumutuligsa sa kanilang opisyal.

Anyway, binibigyan rin natin ang mga CAAP officials na nabanggit na sagutin ang isyung ito sa ating kolum.

Ito po ang nilalaman ng sumbong:

“Kami po ay mga nagkakaisang empleyado ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP). Sumulat po kami upang iparating sa mga kinauukulan ang mga maling pamamalakad sa loob ng aming ahensya. Kung magkakaroon ng patas na imbestigasyon. Kami po ay lalantad sa tamang panahon kung kami ay pakikinggan sa aming mga hinaing at pagdurusa.

Unahin po namin ang isang malaking isyu sa aming opisina. Ang lumalalang kalakaran ng “Nepotism” sa aming hanay, at walang pakundangan na pagbibigay ng mga pwesto o posisyon sa mga kaanak ng mga kasalukuyang namumuno. Marami sa aming mga kasamahan ang halos matagal na nanilbihan noong kami ay nagsimula bilang Air Transportation Office (ATO) pa lamang at marami sa amin ang kwalipikado pawang mga “eligible” at may mga sapat na karanasan at training sa abroad at hindi lang ito, sila po ay tapat sa kanilang mga sinumpaang tungkulin ngunit hindi man lang nabigyan ng pagkakataon dahil sa kagustuhan lang ng mga kasalukuyang namumuno na makuha at ma-dominante ang matataas na posisyon sa CAAP. Pakiimbestigahan naman po ninyo ang mga anak ni Gen Joya na si Atty. Rania Joya at anak naman ni DG Hotchkiss na si Steven Hotchkiss. Hindi po ba ang tawag dito ay Nepotism?

Pangalawa, amin din pong natuklasan ang kanilang plano na palawigin ang kanilang mga termino at magkaroon ng permanenteng termino na hindi bababa sa anim na taon sa kanilang mga pwesto kahit na magpalit pa ng bagong Administrasyon at Presidente. Heto po ang resulta sa ginawang “Strategic Planning” na sila-sila lang ang nag-usap. At ‘pag nagkataon na ito ay aprubahan, malaya nilang magagawa ang kanilang mga inaalagaan na pansariling interes.

Nagkakaroon na po ng matinding hidwaan sa pagitan nila DG Hotchkiss at Capt. Andrew sa kanilang awayan sa kanilang personal na interest. Mas pinapaboran kasi nila DG Hotchkiss ang tumangap ng pagkakakitaan sa malalaking projects sa CAAP, habang si Capt. Andrew naman ay pinapaboran ang airline companies dahil galing din siya sa isang kilalang airline company at si Gen Joya na grupo nila DG Hotchkiss ay may malalaking projects na pinagkakakitaan.

Pakisilip naman po ang mga proyekto sa mga renovation ng mga Airport natin? At isama n’yo na rin po ang mga procurement ng iba’t ibang airport systems gaya ng security equipment, computer systems at iba pa. Puro sila negosyante? Hindi ba minsan din sila nanilbihan bilang mga opisyal ng Philippine Air Force? Sila ay may mga katiwalian na ginawa? At sila pa ang inilagay na mamuno rito sa CAAP? Malakas lang kasi sila kay PNoy kaya sila ang nakaupo. Wala na po bang mahusay at maaaring ilagay dito sa CAAP?

Tinatawagan namin ng pansin ang Chairman ng Civil Service Commission at Ombudsman na magpadala kayo ng magagaling ninyong Audit Team sa aming ahensya.

Sa ating Mahal Na Pangulo, huwag naman sana kayo basta maniniwala sa mga natamong accomplishments ng CAAP dahil alam namin na hindi sina (Hotchkiss at Joya) ang naghirap sa kanilang ipinagmamalaki na nagawa kuno sa aming ahensya. Marami pa kami isisiwalat kung kami ay inyong pakikinggan.

Tulungan ninyo kami! Bantayan ninyo ang mga kilos ng mga kasalukuyang namumuno sa CAAP! Mahal na Pangulo at Secretary Abaya, kami po ay nakikiusap sa inyo. Hindi po ito ang “Tuwid na Daan!” Tulungan po natin ang mga mananakay ng ating mga paliparan! Huwag po natin hayaang magdusa ang ating Bayan!

ALISIN NINYO SINA HOTCHKISS AT JOYA SA CAAP!

[email protected]

 

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *