Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagito nina Nash at Alexa, ipapalit daw sa Hawak Kamay

082914 nash alexa

00 fact sheet reggeeNAKATUTUWA ang fans ng NLex—Nash Aguas at Alexa Ilacad dahil mas alam pa nila kung kailan ang airing ng Bagito na pagbibidahan ng batang aktor.

Ang Bagito raw ang papalit sa Hawak Kamay ni Piolo Pascual na parang ang dinig namin ay ang Dream Dad naman ni Zanjoe Marudo.

Ang alam kasi namin ay sa susunod na taon pa ipalalabas ang Bagito dahil binubuo palang ito ng Dreamscape Entertainment. At tanda namin sabi ng business unit head na si Deo T. Endrinal, gusto nilang magbakasyon ngayong Disyembre.

Ang sigurado kaming eere ngayong Disyembre ay ang Christmas seryeng Give Love On Christmas na ang mga bida ay sina Eddie Garcia, Carlo Aquino at iba pa na may episode title na Gift Giver; sina Gerald Anderson at Maja Salvador naman para sa Gift of Life at sina Paulo Avelino at KC Concepcion naman sa Exchange Gift.

Binanggit namin sa fans ng NLex na sa 2015 pa ang Bagito, pero ipinagmamatigasan nilang ngayong Nobyembre ang airing, okay fine!

 

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …