ni Alex Brosas
HINDI alam ni Ai Ai delas Alas kung bakit sila nagki-click ng boyfriendniyang si Gerald Sibayan despite the 30 years age gap.
“Siguro divine providence. Hindi ko talaga alam kung bakit kami nagdya-jive sa age gap namin. Totoo ‘yan. Siguro age doesn’t matter,” esplika ni Ai Ai sa presscon ng Past Tense na pinagbibidahan nina Kim Chiu and Xian Lim.
“Siguro kapag ibinigay sa ‘yo nandiyan na ‘yon, eh, hindi mo ma-explain. Ako, nagtataka ako kung bakit kami magkasundo.”
Sinabi ni Ai Ai na walang bisyo si Gerald.
“Hindi siya gumigimik, eh. Ayaw niya ng ganoon. ‘Di lumalabas ‘yon. Ganoon lang siya—natutulog, (papasok) sa La Salle, magba-badminton. Siguro he was created ni Lord ng ganoon. ‘Yun lang ang buhay niya.”
Nang matanong kung ano ang natutuhan niya in her past relationship, the Concert Comedy Queen said, “Kung gusto n’yo ang love life ko, kinalimutan ko na ‘yon, tinuldukan ko na at ayaw ko nang balikan. Ikinasal ako ng 29 days. Gusto ko in the future maging 29 years ang marriage ko.”
Sabi pa ng komedyantew, naka-move on na siya sa unos sa pag-ibig by “praying and trying to move on because life is so short and be happy.