MULING nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DoLE) sa mga employer ng pribadong sektor na ibigay nang maaga sa mga manggagawa ang kanilang 13th month pay.
Ayon kay DoLE Sec. Rosalinda Baldoz, malinaw na nakasaad sa implementing rules and regulations ng Labor Code of the Philippines, na kailangang maipagkaloob ang 13th month pay bago mag-Pasko o hanggang sa Disyembre 24, 2014.
Ngunit mas mainam aniya kung ibibigay ito nang mas maaga sa deadline para makaiwas sa ‘Christmas rush’ ang mga empleyado.
Nagbabala rin si Baldoz sa mga hindi tatalima sa kautusan na maaari silang ireklamo sa DoLE.