Saturday , November 23 2024

VP Jojo Binay natiyope sa debate kay Sen. Sonny Trillanes

00 Bulabugin jerry yap jsy“It is one lie after the other …”

Inihayag ito ni Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV kaugnay ng pag-atras ni Vice President Jejomar Binay sa itinakdang debate na sana ay magaganap sa huling Huwebes ng Nobyembre, petsa a-27.

Umatras si VP Binay sa dahilan na ayaw umano niyang magmukhang bully laban sa Senador.

Kung ating matatandaan, si Binay ang unang naghamon kay Trillanes ng debate matapos siyang akusahan ng iba’t ibang uri ng korupsiyon kabilang ang pagkakaroon ng 350-ektaryang lupain sa Rosario, Batangas.

Walang dalawang salita na tinanggap ni Trillanes ang hamon hanggang maitakda nga ng dalawang kampo ang debate sa Nobyembre 27.

Pero ang sabi ni VP Binay, “Ang dahilan po ay dahil marami na po akong naririnig. Ako ang mahusay ako ang debater, ako ang abogado. Ayoko naman pong maging… ang pagkakilala ninyo sa akin ay maging mapang-api, mapagsamanatala. Tama na po ‘yon.”

Pero ayon kay Senator Trillanes, iyon ang pinakabanban (lamest) na dahilan sa pag-atras ni VP Binay sa debate.

“…For someone like him na gustong-gustong bumawi, that was the best opportunity to put me in my place,” ani Trillanes sa panayam ng ANC.

Sa ganang atin, isa na naman itong walang kwentang alibi ng kampo ni Binay.

Bago umatras si Binay sa debate, inindiyan din niya ang imbitasyon ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman, Sen. Teofisto Guingina III.

Na noong una ay sinabi niyang hindi siya dadalo sa imbestigasyon ng sub-committee lamang. Kaya naman pinadalhan siya ng imbitasyon ni Sen. TG Guingona. Pero hindi rin niya pinaunlakan ang anyaya ng batang Guingona.

Ngayon naman, gusto pa niyang magmukhang dakila. Ayaw daw niyang magmukhang malupit sa paningin ng madla.

Weee …hindi nga, VP Binay?!

Ay Nognog… ‘wag kang magpatawa hindi ka naman kalbo… excuse me po!

Secretary Ike Ona una sa sibakan sa daang matuwid ni Pangulong Noy (Sa bakunang tinipid pero overpriced)

MUKHANG si Secretary Ike Ona with his Assistant Secretary Eric Tayag ang unang makatitikim ng ‘tabak ni Damocles’ sa “Daang Matuwid” ni Pangulong Noynoy.

Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang  kwestiyonableng pagbili ng pneumoccocal conjugate vaccine 10 o PCV 10 noong 2012.

Base nga raw sa reklamo, ipinaliwanag ni Justice Secretary Leila de Lima, imbes PCV 10, isang uri ng bakuna para sa mga bata laban sa pulmonary diseases gaya ng pneumonia, meningitis, sinusitis at bronchitis, ang PCV 13, ang dapat na binili ng DoH.

Ang PCV 13 ang inirekomenda ng World Health Organization at ng National Center For Pharmaceutical Access and Management at Formulatory Executive Council na dapat bilhin dahil ito ay mas mabisa.

Sa pag-aaral umano, mas maraming sakit na masasaklaw ang PCV 13 kaysa PCV 10.

Pero ang nangyari noong 2012, kahit nakapaghanda na ang Bids and Awards Committee ng DoH para sa bibilhing PCV 13, ang PCV 10 pa rin ang iniutos na bilhin ng DoH.

Ito umano ay batay sa direktiba ni Assistant Secretary Eric Tayag ngunit nabatid na nakapag-isyu si Ona ng Certificate of Exemption para sa PCV 10.

Mukhang masama ang pagwawakasan ng career ni Dr. Ike Ona at ni ‘dancing health official’ Eric Tayag.

Sa huling balita ay hinihintay na lang ang kwentada ng Commission on Audit (COA)  kung magkano ang inabot ng ‘overpriced’ sa bakuna.

Tsk tsk tsk…

Dahil sa tongpats sa bakuna, mukhang maagang magwawakas ang karera nina Ona at Tayag sa administrasyon ni PNoy.

Keeping my fingers crossed.

Biktima ng kotong checkpoint

AKO po ay naging biktima ng pangungutong ng mga pulis, mahilig cla mag-checkpoint ng mga motorsiklo at magpuwesto sa madilim na lugar wala pang sign na nakalagay na checkpoint basta lang namamara mga pulis patola +63917523 – – – –

Desmayado kay Pnoy Hon. Benigno Aquino III

Galit na ang taong bayan sau. Pakulong mo rin ang iyong mga tauhan na magnanakaw ndi lang mga kalaban mo sa POLITIKA. BUGOK ang ADMINISTRATION mo Presidente. Cabinete mbrs, PNP chief MAGNANAKAW. Pinagyayabang mo TUWID NA DAAN MO. Mahiya ka sa SARILI. BUGOK NA DAAN ang administration mo. Pwe NAKAKAHIYA KA +63943263 – – – –

Gen. Alan Purisima iniinsulto ang sambayanan

Ang mga pahayag ni PNP chief Alan Purisima sa senado ay insulting to the intelligence of the senators and the Filipino people. +63908878 – – – –

Mga tanong sa nakalilitong kwentada sa ari-arian ni Gen. Purisima

TanOng ko lang po mga bossing kong journalist. Nabasa ko ang kolum ni KA – – – – , ewan ko kung nabasa rin ninyo ngayon. Galing n’yang kumuwenta ng lupain ni Purisima at halaga nito kaya di raw porke may lupa sa bukirin e rich. Medyo nag-alanganin ang pang-unawa ko magtanung ako. Ang lupain daw ni Purisima nung 1998 maliit lang ang presyo ng mga panahong yun. Di ko na pahabain. Kung mura ang lupa nung panahon na iyon na hektarya ang laki. Ano b negosyo nun ni Purisima at magkano palang ang sahod nya sa PNP? Bakit nakabili siya nung 1998 na hektaryang lupa? Sa palagay b ninyo nakaipon siya ng malaki sa sahod nya nun at naka-bili siya ng hektaryang lupain? Hindi na ba magagalaw ang sahod n’ya sa pang araw-araw na gastusin at iba pa? Kung ngayon e sabi nila P100k daw ang sahod n’ya. Magkano naman nung panahon ng 90’s P100k din ba? Sana masagot ninyo ito kung gusto lng ninyo sa kolum ninyo. Salamat po. Juan po +63909481 – – – –

Binay nangopya ng sagot

Ang Sagot ni Purisima at Binay pareho lng. Ang yaman at mga ari ari nila ay galing sa sahod ni Purisima at ng kita rin ng pamilya o asawa nya. Ganyan din ang sinabi ni Binay. Hahaha nangopya lng pala si Purisimakay Binay. Lokohan nayan papaya kayo mga senador na lokohin at pilosopohin? Juan po. +63909481 – – – –

Mga tulak sa Biñan, Laguna

MAY mga illegal na tulak ng droga d2 pu sa Wawa, Malabanan, Biñan City. May illegal bookies at droga pu 2. C Poland, asawa ni Ana kubradur c Poland alyas bakla dati. Kapatid ni drug lord din Ramun. Paki-aksyonan naman Pu2. Poland at Ramon pu. Magkapatid d2 sa taga-Dulo Wawa Malaban Biñan Laguna. Pakitulungan naman pu kami maapaabut sa kinauukulan alang alang pu sa mga anak namin me mga protektor pu kc d2 involve salamat pu at pagpalain kayu ng Maykapal. +63928382 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Jerry Yap

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *