MUKHANG si Secretary Ike Ona with his Assistant Secretary Eric Tayag ang unang makatitikim ng ‘tabak ni Damocles’ sa “Daang Matuwid” ni Pangulong Noynoy.
Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kwestiyonableng pagbili ng pneumoccocal conjugate vaccine 10 o PCV 10 noong 2012.
Base nga raw sa reklamo, ipinaliwanag ni Justice Secretary Leila de Lima, imbes PCV 10, isang uri ng bakuna para sa mga bata laban sa pulmonary diseases gaya ng pneumonia, meningitis, sinusitis at bronchitis, ang PCV 13, ang dapat na binili ng DoH.
Ang PCV 13 ang inirekomenda ng World Health Organization at ng National Center For Pharmaceutical Access and Management at Formulatory Executive Council na dapat bilhin dahil ito ay mas mabisa.
Sa pag-aaral umano, mas maraming sakit na masasaklaw ang PCV 13 kaysa PCV 10.
Pero ang nangyari noong 2012, kahit nakapaghanda na ang Bids and Awards Committee ng DoH para sa bibilhing PCV 13, ang PCV 10 pa rin ang iniutos na bilhin ng DoH.
Ito umano ay batay sa direktiba ni Assistant Secretary Eric Tayag ngunit nabatid na nakapag-isyu si Ona ng Certificate of Exemption para sa PCV 10.
Mukhang masama ang pagwawakasan ng career ni Dr. Ike Ona at ni ‘dancing health official’ Eric Tayag.
Sa huling balita ay hinihintay na lang ang kwentada ng Commission on Audit (COA) kung magkano ang inabot ng ‘overpriced’ sa bakuna.
Tsk tsk tsk…
Dahil sa tongpats sa bakuna, mukhang maagang magwawakas ang karera nina Ona at Tayag sa administrasyon ni PNoy.
Keeping my fingers crossed.