TINATAYANG P2 milyong halaga ng prohibited drug ang nasabat ng Bureau of Customs (BoC) – NAIA sa pamumuno ni District Coll. Ed Macabeo sa Paircargo Warehouse.
Ayon kay BoC Enforcement and Security Service (ESS) Director Willie Tolentino, agad silang inatasan ni Coll. Macabeo na makipag-ugnayan sa PDEA nang matanggap ang intelligence report na may papasok na illegal na droga kaya binantayan nila ito.
Galing Pakistan ang narekober na mahigit 8,000 blister packs ng Alprazolam na maihahalintulad sa valium.
Idineklarang food supplement ang droga sa pagpasok sa bansa.
Nabatid na Enero 30 pa dumating ang nasabing illegal na droga at naka-address sa isang Jasmin Tamayo ng Garden City, Parañaque City. Binuksan ang kargamento dahil walang kumukuha mula sa warehouse.
GMG