Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Isabelle, perfect example ng NBSB

ni Ed de Leon 

111214 Isabelle De Leon

IBA rin ang deklarasyon ni Isabelle de Leon. Siya raw ay kabilang doon sa “NBSB” o ibig sabihin “no boyfriend since birth”. Kasi ang feeling niya, mas una niyang dapat unahin ang kanyang career at iba pang priorities, after all bata pa naman siya at marami pang pagkakataong darating sa kanyang love life.

Kaya nga sinasabing mukhang bagay nga sa kanya iyong title ng kanyang series, iyongWattpad Presents, Diary ng Hindi Malandi, Slight Lang, na nagsimula na sa TV5.

Tama naman si Isabelle, bakit nga ba uunahin niya ang lovelife, kung may ibang mas mahalaga siyang maaaring pagkaabalahan? Iyong mga nagmamadali sa kanilang lovelife, iyan ang mga taong maraming oras na walang ginagawa, kaya iyon ang kanilang napagbabalingan. Hindi nga naman advisable para sa mga kabataan ang ma-in love agad, dahil hindi pa naman masasabing seryoso na nga ang kanilang nadaramang emosyon eh.

Kaya nga magandang example iyang si Isabelle. Sa ganda niyang iyon, imposibleng walang nag-aambisyong ligawan siya, pero no time pa sa ganyan ang magandang aktres.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …