ILOILO CITY – Iniimbestigahan ng pulisya ang pagkakompiska ng iba’t ibang kalibre ng baril at mga bala sa palaisdaan na pagmamay-ari ng pamilya ng alkalde ng Barotac Nuevo, Iloilo.
Una rito, mismong si Mayor Hernan Biron Sr. ang nag-turn-over ng mga baril at bala sa Barotac Nuevo Municipal Police Station kasunod ng kanyang pagbisita sa palaisdaan sa Brgy. Jalaud sa nasabing bayan.
Ayon kay SPO3 Glenn Azucena, deputy chief of police ng Barotac Nuevo PNP, ang nasabing mga baril at bala ay nakuha mula kina Cesar Clavesilla, 56, at Ricardo Brito, 42, sinasabing illegal na omuukupa sa palaisdaan.
Ang mga armas ay kinompiska ng alkalde at dinala sa himpilan ng pulisya.