BUTUAN CITY – Sa pag-aakalang malas ang dala ng nahuling tiger shark na natagpuang may mga buto ng paa at bungo ng tao, itinapon ito ng nakapulot na mga mangingisda pabalik sa dagat at kinuha lamang ang panga ng pating na may bigat na 300 kilos.
Ayon kay Budoy Gurgod, ng Punta Villa, Surigao City, ang nasabing pating ay nalambat nila sa karagatang bahagi ng Camiguin at Bohol islands at nang makompirmang patay, pinutol nila ang ulong bahagi ng pating at itinapong muli sa dagat ang katawan nitong may lamang mga buto ng tao.
Inilibing nila ang buto ng panga at muling hinukay upang may ebidensiya sa malaking bibig ng pating nang sa gayo’y masukat kung gaano kadali para sa naturang pating ang paglamon ng tao.
Hinala nila, posibleng isa sa mga hindi pa nakitang pasahero ng lumubog na MV Maharlika Dos ang kinain nitong tao.