Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Karera ngayong Martes at Miyerkoles ililipat sa MJCI

00 kurot alex

MABABAW ang dahilan ng mga hinete nang sabihin nila na masyadong mababaw ang “pista” sa Metro Turf na delikado para sa mga nahuhulog na hinete sa sakay na kabayo.

Kaya nagpasya ang pamunuan ng Philippine Jockeys Association na boykotin ang karera noong nakaraang Huwebes (November 6).

Ayon sa pamunuan ng PJA, dahil sa mababaw at matigas ang pista sa Metro Turf, nagiging grabe ang pinsala ng nahuhulog na hinete.

Tingin natin, hindi naman siguro ang tigas ng pista ang nagiging dahilan ng grabeng pinsala na tinatamo ng nahulog na hinete. Siguro, masama lang talaga ang bagsak nito.

Pero sa punto ng seguridad na hinihingi ng PJA sa pamunuan ng Metro Turf—solidong demand iyon na dapat ikunsidera.

Paano nga naman ang kinabukasan ng isang hinete kung masama ang laglag niya sa kabayo? Ikanga ng mga hinete, nasaan ang assurance na mabibigyan sila ng sapat na benepisyo kapag sila’y nadisgrasya?

Bago nga pala siniguro ng Metro Turf na walang karera sa araw ng Huwebes ay urong-sulong ang balita kung tuloy o hindi ang takbuhan sa nasabing karerahan.

Gulong-gulo ang racing aficionados sa status ng karera. Katunayan ay nagtayaan pa sa mga OTBs ang mga mananaya para sa lahat ng bettings kasama na roon ang Winner Take All.

Pero sa bandang huli—tinuldukan na talaga ng Metro Turf na kanselado ang karera para sa araw na iyon.

Iiling-iling na lang ang maraming karerista sa naging desisyon na iyon dahil nakataya na nga naman sila sa inihaing bettings. Medyo abala pa kasi na i-refund ang kanilang mga taya.

Nito namang Linggo sa pista ng San Lazaro Leisure Park ay may kumakalat na balita na simulang magpakalap ng mga pirma ng hinete ang ilang tao para sa pagkakaisa na boykotin sa Martes at Miyerkoles ang karera sa Metro Turf.

At may ipinadala sa ating text ang kolumnista nating si Fred Magno (REKTA) na ibinabalita na ang karera ngayong Martes at Miyerkoles ay ilalarga sa MJCI.

Nagtagumpay ang PJA na iboykot ang MJCI?

 

ni Alex L. Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …