Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

100 Pinoy peacekeepers darating bukas (Deretso sa Isla ni Kuya)

090114 golan peacekeepers filipinoPARATING na sa bansa sa Nobyembre 12, Miyerkoles ng gabi ang mahigit 100 Filipino peacekeepers mula Liberia.

Inihayag ito ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. Gen. Gregorio Pio Catapang Jr., makaraan kompirmahing pumasa sa Ebola screening test ng United Nations (UN) ang 108 sundalo.

Idinagdag ni Catapang, kasamang uuwi ng mga sundalo ang 24 pang peacekeepers mula sa hanay ng Philippine National Police (PNP) at isang taga-Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Bagama’t nagnegatibo sa Ebola virus batay sa test sa Liberia, ika-quarantine pa rin ang mga pauwing peacekeeper sa Caballo Island na sakop ng Naic, Cavite.

Tinawag ng Philippine Air Force na “Isla ni Kuya” ang naturang lugar. Nakahanda na anila ang barracks kung saan mananatili ang peacekeepers. Nakabitan na nila ito ng koryente, linya ng komunikasyon gayondin ng wi-fi, at airconditioning unit.

Pagdating ng mga sundalo sa Villamor Air Base sa Miyerkoles, agad silang ihahatid by land sa Sangley Point sa Cavite saka isasakay sa barko ng Philippine Navy patungong isla. Ang Navy ang mangangasiwa sa isla.

Mananatili sila roon sa loob ng 21 araw para matiyak na hindi nahawa nang nakamamatay na virus.

Samantala, humihingi ng pang-unawa si Catapang partikular sa pamilya ng mga peacekeeper.

Bibigyan pa rin ng hero’s welcome ang mahigit 100 peacekeepers ngunit maaantala ito dahil sa quarantine.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …