ni Vir Gonzales
NAKAKAALIBADBAD at masakit daw sa tenga kapag naririnig ang tawagang “asawa ko” nina Kris Aquino at Vice Ganda kapag magkasama.
“Kumusta asawa ko” ang minsang sabi raw ni Vice noong ipakamusta ni Kris si Vice Ganda.
Ano raw ba ang ibig palabasin ng dalawa? Na mag-asawa sila? O kaya naman, magsyota, ganoon?
Walang masama sa pagtatawagan ng dalawa kaso maraming ibig takasan ng ulirat, kapag nadirinig ang tawagang iyon. Pasensiya na Vice, mabuti pang BFF na lang. Tutal, wala naman na si Ai-Ai delas Alas na BFF ni Kris, dati,
PITIK-SILIP PHOTO CONTEST NG MOWPAP, MALAPIT NA!
MAGKAKAROON ng photo contest ang MOWPAP, ang Pitik-silip sa November 14 at 15 na idi-display sa lobby ng Quezon City Hall.
Human interest ang tema at puwedeng makapag-submit ang member kahit ilang lahok sa naturang contest.