Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine, may asim pa rin kahit 3 na ang anak

ni James Ty III

111014 sunshine cruz

KAHIT hiwalay na siya sa kanyang mister na si Cesar Montano, hindi pa rin nawawalan ng kinang ang kagandahan ni Sunshine Cruz.

Isa si Sunshine sa mga naggagandahang dilag na rumampa sa pagbubukas ng Philippine Basketball Association (PBA) sa bagong Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Naging visible si Sunshine sa TV mula noong nakipaghiwalay siya kay Cesar noong isang taon, kabilang na rito ang kanyang pagiging cover girl sa isang sikat na magasing panlalaki at pagiging mainstay sa teleseryeng Dugong Buhay ng ABS-CBN.

Kilala noon si Sunshine sa mga sexy movie na ginawa niya para sa Viva Films kaya hindi kataka-taka na may asim pa rin siya sa mga barakong nanood ng PBA kahit may tatlo na siyang anak.

Bilang patunay ng kanyang kaseksihan kahit 37-anyos na siya, nakipagsabayan minsan si Sunshine sa pag-indak sa ASAP 19 ng Dos kasama si Priscilla Meirelles.

“Ever since may stage fright talaga ako, kanina nanginginig ‘yung tuhod ko,” say ni Sunshine sa amin habang ikinuwento niya ang pagiging muse ng Blackwater Sports na isa sa mga produktong iniendoso niya. ”Pero nakatutuwa, it’s really a fun experience. Rati nga, naging muse rin ako sa Welcoat sa PBL at nanalo pa ako ng trip to Hongkong as prize for best muse.”

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …