Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon Cuneta dinamayan ng mga boss at kaibigan sa ABS-CBN (Sa pagkamatay ng kanyang celebrity Mom Elaine Cuneta)

111014 Sharonians

00 vongga chika peterSOBRANG lungkot noon ni Sharon Cuneta nang pumanaw ang ilang dekadang nag-alaga sa kaniya na si Yaya Luring.

At dahil naging malapit kami kay Shawie, kahit sandaling panahon lang ay na-witness namin ang magandang samahan ng dalawa na parang pangalawang ina na kung ituring ni Sharon ang yaya.

Sobrang depressed noon si Shawie sa paglisan ng nasabing nanny. Kaya ngayon ay alam na natin kung ano ang pinagdaraanan ng megastar sa pagpanaw kamakailan ng kanyang Mommy Elaine.

Siyempre labis-labis na nagdadalamhati ngayon kasama ang kanyang daughter na si KC Concepcion na very close sa kanyang Lola Mita (tawag ng actress sa grandma) ganoon na rin ng buong pamilya, kaanak, kasamahan sa industriya at mga malalapit na kaibigan ng namayapang dating model singer-actress (Mommy Elaine) na nakagawa ng ilang movies kabilang na ang classic film na “Bondying” noong 1954. Ilan pala sa mga nakita sa dinaragsang burol ni Mommy Elaine sa Santuario de San Antonio Parish sa Mckinley Road Makati City para makiramay sa pamilya ni Shawie ay si Presidente P-Noy, former first lady Imelda Marcos, mga co-politician ng mister ni mega na Presidential Adviser for Food Security and Agricultural Modernization na si Kiko Pangilinan. Dumating rin sa wake ni Mommy Elaine na nakalagak sa Capilla Del Senor at Capilla Dela Virgin ng Santuario de San Antonio ang mga boss at kaibigan ng megastar sa ABS-CBN sa pangunguna ng presidente ng network na si Ma’am Charo Santos kasama ang sister na si Ma’am Malou Santos na managing director ng Star Cinema at Star Creatives, Direk Olive Lamasan, at ang Vice President ng ABS-CBN at Head ng TV Production na si Direk Lauren Dyogi kasama ang ilan pang junior executives ng Dos. Patunay lang na totoo ang pahayag, ni Sharon na kahit umalis siya sa Kapamilya network ay walang “bad blood” sa pagitan niya at ng estasyon.

So anytime ay welcome na welcome siyang bumalik sa dating network. Sinorpresa rin pala si Shawie ng ilang minamahal na Sharonians na nakiramay nang buong magdamag sa kanya. At sa kuhang larawan medyo pumayat na nga at nakapagbawas ng 30 lbs ang actress. Samantala bukod sa announcement ng pamilya Cuneta-Pangilinan na hanggang bukas pa ang burol ni Mommy Elaine ay wala pang bagong pahayag tungkol sa ekasaktong libing ng most loved na showbiz mom.

Mula rito sa Hataw D’yaryo ng Bayan ang aming tapos pusong pakikiramay kay ‘Nay Sharon at KC gyud!

Narito pala ang latest exclusive photo ng megastar na kuha ng isa niyang diehard fan.

 

 
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …