Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ritz, nagsisisi sa pagpo-pose sa men’s magazine

ni John Fontanilla

110314 ritz azul

MAY pagsisi raw ang isa sa TV5 Princess na si Ritz Azul sa ginawa nitong pagpu-pose sa FHM noong 2012 dahil hindi na siya maaaring makasali sa Binibining Pilipinas na isa ito sa pangarap niya.

Tsika ni Ritz nang makausap namin para sa presscon ng Wattpad Presents Savage Casanova, na bida sila ni Edward Mendez, ”medyo nagsisi ako roon sa ganoong aspect na hindi ako makasali ng Binibini dahil doon sa nag-FHM cover ako.

“Pero maliit na pagsisisi lang naman ‘yun, eh. Naisip ko naman may Miss World, mayroon pang ibang masasalihan.”

At dahil isang taon na lang sa TV5 si Ritz, lilisanin na ba niya ang kanyang home studio pagkatapos ng kanyang kontrata? ”A, hindi naman! Parang medyo nao-open up na, nasasabi na nila ‘yung kontrata, pero siyempre depende pa rin sa desisyon.

“Wala pa naman ‘yung pinaka-contract. Gusto ko munang makita ‘yun. May one year pa ako, roon na lang tayo sa ‘pag two months na lang.

“Nandito pa ako sa network at saka I love TV5. Dito ako nag-start, dito medyo nakilala.

“Medyo nakilala si Ritz Azul kaya hindi ko siya basta maiiwan,” pagtatapos na ni Ritz.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …