Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Numero nina Codiñera, Evangelista pinagretiro ng Purefoods

111014 evangelista codinera

ISANG espesyal na seremonya ang nilarga ng Purefoods Star Hotdog kasama ang PBA bago ang laro ng Hotshots kontra Barangay Ginebra San Miguel sa Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Pinagretiro ng Purefoods ang numero 44 ni Jerry Codinera at ang numero 7 ni Rey Evangelista bilang pasasalamat sa kanilang mga kontribusyon sa Hotshots sa kanilang paglalaro sa PBA.

Naunang ini-retiro ng Purefoods ang numero 16 ni Alvin Patrimonio noong 2005 at siya ngayon ay team manager ng Hotshots.

Si Codinera ngayon ay head coach ng Arellano University sa NCAA at ginabayan niya ang Chiefs sa finals ng katatapos na Season 90 men’s basketball ngunit natalo sila kontra San Beda Red Lions.

Si Evangelista naman ay nasa Ormoc, Leyte kung saan inaasikaso niya ang ilang mga negosyo.

“Naging emotional ang reunion naming tatlo nina Jerry and Rey,” wika ni Patrimonio. “Matagal ang pinagsamahan naming dalawa for 12 years sa Purefoods. Si Rey naman, tumagal din siya sa Purefoods tulad ko at doon din siya nag-retire.”

(James Ty III)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …