Monday , November 18 2024

Masamang tingin ng boys at aso (2)

00 Panaginip

Maaari rin naman na ang panaginip mo ay nagsasaad ng betrayal at untrustworthiness. Posibleng nagpapakita ito na nawala o nawawala ang iyong kakayahan upang balansehin ang ilang aspeto ng iyong buhay. Maaaring ito ay bunsod ng iyong agam-agam upang harapin ang bagong sitwasyon o kaya naman, wala kang interes o kagustuhang umabante tungo sa iyong mithiin. Alternatively, maaari rin naman na ito ay sagisag ng disloyalty para sa ilang malalapit sa iyo na hindi mo pa talagang lubos na kilala. Dapat mo ring pahalagahan ang mga malalapit sa iyo na may pakinabang ka at may mabuting naidudulot para sa iyong interes at kapakanan. Posible rin namang may kaugnayan ito sa kinakaharap na relasyon o sitwasyon, na pakiwari mo ay wala kang kontrol sa iyong sarili. Dapat kang magpakatatag sa pagdating ng pagsubok, isipin ang iyong mga prayoridad sa buhay, iwaksi ang mga negatibo at mag-focus sa mga positibong bagay. Dapat din na lagi kang humawak at manalig sa iyong pananampalataya sa Diyos, dahil magsisilbing gabay ito para mas maliwanagan ang iyong kaisipan at maging patnubay sa iyong mga desisyon.

Ang panaginip ukol sa kalsada ay nagre-represent ng iyong sense of direction at ang tinatahak na direksiyon ng iyong buhay. Segun sa estado ng iyong paglalakbay, makikita mo kung mabuti o masama ito kung maayos ang iyong paglalakad at hindi ka naka-encounter ng problema o takot. Ang iyong panaginip ay nagsasabi ng iyong inner state of mind. Dapat mong ikonsidera ang iyong sariling saloobin ukol sa mga lugar na nakita mo sa iyong panaginip at kung mayroon kang partikular na alaala ukol dito. Ang panaginip ukol sa paglalakbay ay nagre-represent din ng landasin tungo sa mga ninanais mong marating at makamit sa iyong buhay. Kabilang na rin dito ang iyong daily routine at ang pagprogreso o pag-unlad mo sa araw-araw. Maaaring nagsasabi rin ang panaginip mo ng hinggil sa pagkokompara sa estado ng buhay ng mga mahihirap o pagiging judgemental. Posible rin na may kaugnayan ito sa pagiging hindi permanente o temporary lang o pagiging mabuway ng ilang bagay na lubhang mahalaga sa iyo o sa mga nasa paligid mo.

Señor H.

 

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *