Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marion, balak daw tanggalin ang apelyidong Aunor

ni John Fontanilla

090814 marion aunor

MARIING pinabulaanan ni Marion Aunor ang balitang balak niyang tanggalin sa kanyang screen name at apelyidong Aunor at Marion na lang ang gagamitin niyang pangalan.

”Naku wala po akong planong ganoon na tanggalin sa screen name ko ang apelyidong Aunor dahil mula naman ako sa angkan ng mga Aunor.

“At saka okey naman sa akin na gamitin ang apelyidong Aunor since noong nagsisimula ako Aunor na ang gamit ko, although may mga taong kumakausap sa akin at sinasabing tanggalin ko na ‘yung Aunor sa screen name ko.

“Everytime raw kasing nababanggit ang Aunor ang tita kong si Nora Aunor ang unang pumapasok sa isip ng tao .

“Like minsan sa isang show noong tinawag na ako ng host ng isang event nang sabihin ang pangalan kong Marion Aunor may mga taong nagsasabi na pamangkin siguro ‘yan ni Nora Aunor, ‘yung mga ganoon.

“’Yung iba naman sinasabi na magiging shadow lang daw ako ni Tita Nora dahil sikat na sikat siya, pero ‘di naman ako naniniwala dahil marami naman d’yan na kamag-anak ng mga artista like si KC na anak ng Megastar na si Sharon Cuneta pero sumikat siya bilang si KC o si Luis Manzano na anak ni Ms Vilma Santos at Mr. Edu Manzano pero sikat din siya.

“So feeling ko hindi naman ‘yan sa apelyido, naniniwala ako na nasa pagtatrabaho ‘yan. If maganda ang pagtatrabaho ko mas darami ‘yung kukuha sa akin at darami ang shows ko at magandang exposure ‘yun para mas makikala ka ng tao.”

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …