Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Makiisa kina Maya at Ser Chief sa Global Kapit-Bisig Day sa Be Careful With My Heart sa Nobyembre 28

111014 be careful Global Kapit-Bisig Day

00 vongga chika peterSa mga pinagdaanang pagsubok lately ni Ser Chief (Richard Yap) sa Be Careful with My Heart ay natuto na rin maging responsable ang mga anak na sina Nikki (Janella Salvador), Abby (Mutya Orquia) at Luke (Jerome Ponce) na natutong kumuha ng part time job na nanibago dahil first time nila na mag-work. Sa paglipat ng pamilya Lim sa bagong bahay ay may ilang pagbabago rin na kailangan mag-adjust dahil nawalan nga ng magandang trabaho si Ser Chief na dating Presidente ng pinagsososyohang kompanya na Lim Aviation Services. Siyempre number one d’yan ang misis ni Ser Chief na si Maya (Jodi Sta. Maria) na sanay sa hirap. Pero kahit na medyo bumagsak ang kabuhayan ay nanatiling intact at masaya ang pamilya Lim kasama ng kanilang kambal na sina Baby Sky at Baby Sunshine at mga kasambahay sa mahabang panahon na sina Doris (Rosario “Tart” Carlos) at Isabel (Viveika Ravanes).

Samantala marami ang naiyak sa paalaman scene nina Kute (Aiza Seguerra) at gumaganap na ama sa serye na si Arturo (Lito Pimentel). Wala pa rin kupas ang galing sa pag-arte ng dalawa sa eksena lalo na nang maalala ni Kute ang ginawang bangkang papel sa kanya ng ama noong bata pa.

Simula ngayong Lunes ay huwag nang bibitiw sa huling tatlong linggo ng Be Careful With My Heart at sabay-sabay tayong lahat na maki-Global Kapit-Bisig day kina Maya at Ser Chief sa November 28 para sa last episode ng nasabing morning kilig serye na #1 sa daytime program ng Kapamilya network.

Ops! Nakakuha rin ng nominasyon ang programa sa 28th Star Awards for TV. Kabilang sila sa finalists para sa “Best Daytime Drama Series.”

To Ms. Ginny Ocampo, Business Unit Head of Be Careful and to the directors Jeffrey Jeturian and Mervyn Brondial mabuhay kayo for job well done gyud!

 

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …