Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gloc 9, takot daw mag-concert sa Smart Araneta

102914 icon rico yeng gloc

00 fact sheet reggeeHINDI diretsong inamin ni Gloc 9 na takot siyang mag-show sa Smart Araneta Coliseum na mag-isa maski na pangarap niya ito dahil noong alukin siyang makakasama niya sina Rico Blanco at Yeng Constantino ay napapayag na agad siya.

Ang katwiran ni Gloc 9, ”lagi ko pong sinasabi na nasa wish list ko ang magkaroon ng concert sa isang malaking venue.

“May mga offer po kami last year na tinurn-down talaga namin kasi sa rami po ng kailangan kong tapusin na trabaho at sa rami ng kailangan kong isipin, eh baka po sa ICU ang mapuntahan ko kapag dinagdagan ko pa ng isang Araneta Coliseum na concert.

“Pero nang binanggit nila sa akin na kasama ko si Yeng Constantino at si Rico Blanco, ang isang pumasok lang sa isip ko ay win-win situation ito para sa akin.

“Win dahil kasama ko si Yeng Constantino at isa pang win dahil kasama ko si Rico Blanco.

“And damay lang po ako talaga kung gaano kagaling na artist itong dalawang ito. Whatever happens, sobrang saya ko lang dahil nasabit ako rito,” pag-amin ng sikat na rapper sa bansa.

Ang titulo ng concert nina Rico, Yeng, at Gloc 9 ay Icon na mapapanood sa Nobyembre 21 sa Big Dome produced ng Cornerstone Concerts.

Pahayag naman ni Rico na kakaibang collaboration ang mapapanood ng mga tao sa show nilang tatlo.

“We don’t want to spoil the surprises now but like me if you’re used to seeing me perform with rock, when I collaborate with Yeng, nag-volunteer na ako na ako ‘yung medyo pupunta sa style and genre na specialty ni Yeng. It’s just one of the things na mangyayari,” say ni Rico.

Samantala, para sa karagdagang impormasyon tungkol sa ICON tickets ay maaring mag log on sa www.ticketnet.com.ph.
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …