Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dreamscape’s teleserye humakot ng nominations sa 28th Star Awards for Television

111014 Dreamscape Entertainment

00 vongga chika peterAng Ikaw Lamang ang #1 overall “most watched program” sa buong buwan ng Oktubre 2014. Samantala, ang dalawa pang serye na produced rin ng Dreamscape Entertainment na Wansapanataym at Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay kabilang naman sa 10 Most Watched Programs sa Primetime nationwide.

Hindi lang ‘yan dahil sa darating na 28th PMPC Star Awards for Television humakot ng maraming nomination ang Kapamilya primetime bida series na Ikaw Lamang kasama ng iba pang teleserye ng Dreamscape kabilang na ang Best Drama Actor, Best D-rama Actress, Best Supporting Actor and Actress categories.

Siyempre nangunguna si Coco Martin para sa napakahusay nitong pagganap sa role na Samuel at Gabriel sa IL. Nominado ang sikat na actor para sa Best Drama Actor ganoon na rin si Gerald Anderson (Bukas Na Lang Kita Mamahalin at Enchong Dee (Muling Buksan Ang Puso). Pareho namang nominado sa Best Drama Actress sina Kim Chiu (Ikaw Lamang), Bea Alonzo (Sana Bukas Pa Ang Kahapon) at Dawn Zulueta para sa portrayal sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin bilang ina ng bidang si Gerald Anderson. Narito naman ang Men of Dreamscape na kapwa nominado para sa Best Supporting Actor category para sa IL at sila ay sina Ronaldo Valdez, Joel Torre, John Estrada, Tirso Cruz 111, Jake Cuenca at Christoper de Leon. Nominado rin si Tito Eddie Garcia para sa seryeng Honesto. Ang mga Women naman ng Ikaw Lamang na nakakuha ng nominations for Best Supporting Actress ay sina Cherie Gil, Julia Montes, Cherry Pie Picache, Angel Aquino, Amy Austria-Ventura at KC Concepcion. Nominado naman si Inah Estrada bilang Best New Female TV Personality para sa pinagbidahang episode sa WANSAPANATAYM na Witch-A-Makulit.

Finalists rin ang mga teleserye ng Dreamscape na Honesto, Muling Buksan Ang Puso, Bukas Na Lang Kita Mamahalin at Ikaw Lamang para sa Best Primetime TV Series. Ang 28th Star Awards for Television ay gaganapin sa Ballroom ng Solaire Resorts and Casino sa darating na Nobyembre 23.

Congratulations and good luck sa inyong lahat gyud!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …