Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Demoniño (Ika-31 labas)

00 demoniño

NABUYANGYANG ANG SEX VIDEO NI SHANE SA ISANG CONGRESSMAN ALAM NI EDNA NA GAWA ITO NG DEMONYO

“N-nanlalaki raw si Ate Shane, Miss Edna…”

“Ho?!”

“Opo, Miss Edna… At kalat na raw sa internet ang sex video ni Ate Shane at ng congressman na kalaguyo niya.”

“Kaninang umaga ay nai-download ko pa ‘yun… At ‘di talaga ako makapaniwala na si Ate Shane ang ka-partner ni Congressman,” singit ng dalagang kasambahay sa tiyahing kusinera.

Binanggit pa kay Edna ni Fatima kung gaano kalaswa ang napanood nitong sex scandal sa Youtube.

“Ganu’ng kagrabe ang sex video nila ni Congressman,” sabi pa ng tagapag-alaga ng batang ampon,

Nanlumo ang dalagang guro sa kanyang mga narinig. Sa isip niya, pati pala si Shane na pala-simbahin at dating may mabuting kalooban ay ‘di nakaligtas sa pambubuyo ng diyablo sa kasalanan.

“Sige, patayin mo ako… Bakit? Sa akala mo ba ay napakatanga ko para hindi malaman na nagkaroon kayo ng relasyon ng kasambahay nating si Bebang?” talak ni Edna kay Karl.

Pamaya-maya ay biglang ginulantang sina Edna, Fatima at Manang ng nakatutulig na tili ni Shane. Kasunod niyon ay malalakas na lagabugan. At alingangaw ng putok ng baril.

“A-ano ‘yun?” sabi ni Manang na nanlaki ang mga mata sa pagkagulat.

“B-baril… Baril ‘yun…” sabi ng dalagang kasambahay.

Napatakbong paakyat ng ikalawang pa-lapag ng bahay si Edna. Napasunod sa kanya ang magtiyahin.

(Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …