TINIYAK ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) na tuloy ang debate nina Vice President Jejomar Binay at Senador Antonio Trillanes IV sa Nobyembre 27.
Sinabi ni KBP Chairperson Ruperto “Jun” Nicdao, planstado na ang lahat para sa debate.
“All systems go tayo sa debate dahil lahat ng detalye na isine-settle pa between the two camps mukhang na-resolve na lahat. The method or the conduct of the debate, naayos na. Kung ano ‘yung mga propositions na pagdedebatehan, naayos na rin. ‘Yung venue, naayos na rin.”
Binanggit ni Nicdao na sa Philippine International Convention Center (PICC) gaganapin ang debate. Magsisimula ito ng 10 a.m. at inaasahang matatapos ng tanghali.
Makaraan ang debate, magsasagawa ng press conference ang magkabilang kampo ngunit hindi magkasabay.
Binanggit din ni Nicdao na imbitado ang lahat ng mga miyembro ng KBP. May mga inimbita rin taga-academe at business community.
Sa Martes, ani Nicdao, target nilang makipag-ugnayan muli kina Binay at Trillanes para mapirmahan na ang rules ng debate.