Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagong football palace ng Filipinas

ni Tracy Cabrera

111014 INC football stadium

MAY bagong football palace ang Filipinas sa bagong stadium ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Bocaue, Bulacan. Maaaring maglaman ng 25,000 katao, ang stadium ay idinisenyo at itinayo ng Korean firm na Phildipphil.

Sa loob ng stadium, makikita ang football na nakapaloob sa track na kulay asul. May sukat ang field na 68 by 105 meter at may damong tulad ng Bermuda ngunit superyor na mapaglalaruan kaysa Rizal Memorial Coliseum.

Sa palibot ng field ay makikita rin ang outlets para sa mga sprinkler sa magkabilang gilid. Ang surface nito’y patag na patag at ang sinasabing ‘crown effect’ na ang mga gilid ay mas mababa kaysa sentro ay hindi kasing pronounced gaya sa Rizal.

Para naman sa mga manonood kapag may naglalaro na sa stadium, ang mga upuan ay itinaas ng dalawa’t kalahating metro at mas malapit sa aksyon kung ihahambing sa football field sa Panaad.

May mga bintana sa pagitan ng dalawang ring ng mga upuan, Mukha silang mga luxury box pero ang totoo’y mga entrada sila sa hanay ng mga upuan mula sa stadium concourse.

Ang mga upuan din mismo ay mainam para sa mga manonood dahil mataas ang sandalan. Ang flooring ay nilatagan ng finish na magaspang upang maiwasang may madulas.

Ang mga upuan naman sa VIP box, na nakalaan para sa mga importanteng bisita, ay may gintong upholstery at elevator din na direktang dinadala ang mga VIP doon.

Walang opening sa gitna mula sa mga dressing room. Sa halip ay may opening sa mga kanto ng field. Maaaring pumunta sa sentro ang mga teams mula sa mga kanto. Ito ay katulad ng karamihan ng mga football stadium na matatagpuan sa Inglatera, isang bansang kilala bilang isa sa pinakamahusay at pinakamalakas na team sa Europa, kung hindi man sa buong mundo.

Sa ngayon ay hindi pa kompleto ang stadium, at may duda kung maaari nang maganap dito ang 2014 Suzuki Cup. Pero para sa mga World Cup qualifier sa susunod na taon? Bakit hindi?!

Marahil ay hindi tayo makapaghintay na makita rito ang nakikipagbakbakang Azkals kontra sa pinakamagagaling na team sa Asya. Gayon pa man, nagpapasalamat pa rin tayo sa Iglesia Ni Cristo para sa bagong palasyo ng football na kanilang itinayo.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …