Monday , November 18 2024

Anna, mas gamay ang teatro kaysa TV

111014 Anna Luna

00 fact sheet reggeeDATING Viva artists si Anna Luna o mas kilala ngayong si Jackie ng Pure Love na kasalukuyang nag-aaral ng film making sa College of St. Benilde at dahil humihinto siya kapag may trabaho, inabot na siya ng limang taon sa kolehiyo.

Napasama rin si Anna sa pelikulang Emir noong 2010 at edad 14 palang daw noon ang dalaga at musical theater daw ang background niya kaya marunong siyang kumanta.

Nabanggit ni Anna na nakasama niya sa grupo si Nadine Ilustre noong nasa Viva pa siya pero pagkalipas daw ng tatlong taon ay umalis na siya dahil wala naman daw nangyari sa career niya.

Hanggang sa napasama siya sa pelikulang Bendor ng Cinema One Originals noong 2013 na pinagbidahan ni Vivian Velez at nanalong best supporting actress.

“Double nominations nga po ako roon, kinalaban ko rin sarili ko,” masayang sabi ng dalaga na nominated din siya sa ibang kategorya.

Mukhang kailangan ni Anna ng manager dahil nang tanungin siya kung ano ang career plan niya ‘pag natapos na ang Pure Love sa Nobyembre 14, Biyernes ay walang naisagot ang dalaga.

“Hindi ko pa po alam talaga, wala akong next project pa after ‘Pure Love’, sana nga po, mayroon,” napangiting sabi ni Anna.

May tumutulong daw sa kanya para i-manage siya, pero verbal agreement lang daw at wala rin namang planong iwan ni Anna ang taong ito.

At ang direktor ng Pure Love na si direk Veronica Velasco raw ang nagpasok kay Anna sa serye kasi nagkatrabaho raw sila rati.

“Nag-message po sa akin sa facebook si direk Ronnie at sabi po niya ire-recommend daw niya ako sa project niya kaya natuwa ako at kaagad akong nag-audition at ‘yun nga po, pictorial na kaagad. Ang bilis nga po, eh,” kuwento ni Anna kung paano siya na-diskubre bilang si Jackie sa Pure Love.

Dalawang magkapatid lang sina Anna at parehong may kinalaman sa teatro ang mga kurso at hilig nila ng kapatid niyang si Antonio Luna na kumukuha ng Performing Arts sa Centro Escolar University.

“Na-adopt na po siguro namin sa dad namin kasi theater actor siya, si Rommel Luna po, so iyon po ang background ko.

“Tapos noong magkita kami ng co-actors ko sa theater, niloloko nila ako kung artista na talaga ako, sabi ko hindi ko ma-feel pa. At saka malaki po ang pagkakaiba.

“Sa totoo lang, nahihirapan po ako sa ‘Pure Love’, siguro nag-a-adjust pa kasi ako rito, sa stage po kasi gamay ko na,” kuwento ni Anna.

Kasalukuyang may boyfriend si Anna na anim na taon na niyang karelasyon simula noong high school palang sila at gusto rin daw pumasok sa showbiz, pero sinabihan ng dalaga na,”wag na, ako na lang, aga ko po ba lumandi, ha, ha, ha? Fifteen lang ako, parang childhood sweethearts po kami,” natawang kuwento ng aktres.

Dagdag pa, ”nagmo-model din po kasi siya, may mga TVC dati noong bata pa, tapos ang huli niya may billboard siya sa Megamall.”

Canceller and Diplomatic Affairs student daw ang boyfriend ni Anna, ”pero pagka-graduate niya, gusto niyang maging piloto po.”

Bagamat well-provided si Anna ng dad niya ay gusto pa rin niyang sa sariling pera manggagaling ang pambili ng gusto niyang ipundar.

“Nag-iipon po ako para bumili ng lupa o condo o magtayo ng business tulad sa tatay ko.

As of now ay hoping si Anna na magkaroon ng project pagkatapos ng Pure Love.

ni Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *