Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anak ni Ka Freddie binugbog ng dyowa

111014_FRONTIBINUNYAG sa Facebook ng isang nagpakilalang best friend ni Maegan Aguilar na ang mang-aawit ay binugbog ng kanyang live-in partner.

Sa ulat ng entertainment site Pep kahapon, sinabi ng rapper na si Maria Silorio sa Facebook account niya na si Aguilar ay pisikal na inabuso ng kanyang live-in partner na si Ali nang magtangkang makipaghiwalay sa kanya ang singer nitong Sabado.

“My Bestfriend Maegan Comet Aguilar received this nasty beating as a ‘parting gift’ from her live-in Partner when she firmly tried to end there (sic) relationship today. Ali’s an alcoholic that often reaches a violent black out state & beats up my friend & threatens her life,” pahayag ni Silorio, ayon sa ulat ng Pep.

Dagdag ni Silorio, “Hindi daw po agad2 nagpa blotter or nagsumbong c ate maegan sa brgy o pulis dahil ayaw nya pong lumabas itong parte ng buhay nya sa publiko. Pero ito pong huling insidente ay nagdulot po talaga ng kritikal na kalagayan sa kanya.”

Ayon kay Silorio, na-dislocate ang kanang braso ni Aguilar at marami siyang pasa at sugat sa kanyang likod at balakang.

Wala pang inilalabas na pahayag si Aguilar kaugnay sa isyung ito.

Si Maegan ay anak ni OPM icon Freddie Aguilar.

Lumabas siya sa media ilang buwan na ang nakararaan nang batikusin ang pakikipagrelasyon ng kanyang ama sa isang menor de edad matapos silang palayasin sa poder nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …