PAGKARAANG dumating si Chris Algieri sa Los Angeles sa pamamagitan ng private jet, dinumog siya agad ng mga katanungan sa naging press conference para sa magiging laban nila ni Manny Pacquiao sa Nobyembre 23 sa Macau.
Siniguro niya sa media na kitang-kita sa kanyang kondisyon na handa niyang sungkitin ang WBO welterweight championship.
Maging si Bob Arum ng Top Rank na naroon sa presscon ay naniniwala na maganda ang kompiyansa ni Algieri sa magiging laban nila ni Pacman. Nakatakdang lumipad ang Team Algieri sa Macau sa Nobyembre 12.
“Training camp has been going fantastic,” pahayag n i Algieri, 30, na dehado sa nakakatakdang laban niya kay Pacquiao sa Cotai Arena.
Sa nasabing presscon, nagnakaw ng eksena si Sylvester Stallong na kilalang fan ni Algieri.
“We’ve had great work. The energy in camp has been incredible…On November 22, it’s not going to be my “Rockyesque” performance that’s going to win the day. It’s going to be my smart technical boxing skills and my strategy and my mental and physical preparation.”
Si Pacquiao ay nakatakda namang dumating sa Macau sa Nobyembre 17 mula sa General Santos City.