Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

6-0 na ang Aces

00 SPORTS SHOCKEDMATAPOS na mapasabak sa apat na heavyweights, dalawang lightweights naman ang makakalaban ng Alaska Milk na nangunguna s PBA Philippine Cup.

So kung tinalo ng Aces ang Purefoods Star, Talk N Text, Meralco at San Miguel Beer, ano pa kaya ang laban na puwedeng ibigay sa kanila ng mga expansion teams na Kia Sorento at Blackwater Elite?

Makakaharap ng Alaska Milk ang Kia bukas at ang Elite sa Biyernes.

E di ilista mo na iyan!

Six-zero na ang Aces!

Aba’y pagbali-baligtarin mo man ang mundo, tiyak na panalo ang Alaska Milk diyan.

Milagrong napakalaki kung masisilat ang Aces sa klase ng larong ipinamamalas nila ngayon.

Kasi, kahit na mahirap (yata) ang sistema ni coach Alex Compton, aba’y tila nag-eenjoy ang Aces. Takbo lang sila nang takbo. Lahat ng gamitin ni Compton ay nagde-deliver.

Kung tutuusin nga, ang susunod na apat na kalaban ng Aces para sa buwan ng Nobyembre ay tila kaya nila. Kasi matapos ang Elite ay makakaharap nila ang Barako Bull at pagkatapos ay ang Globalport.

Sa pananaw ng mga eksperto, sa Disyembre pa talaga masusubukan nang husto ang Aces.

Ito’y sa pagtatapat nila ng Barangay Ginebra sa Disyembre 2 at Rain Or Shine sa Disyembre 5.

Pero bago mangyari iyon, aba’y parang solid na ang kapit ng Aces sa first place.

At mataas na mataas na ang kanilang kompiyansa.

Huwag lang magbabago ang ihip ng hangin, tila napakalayo ng mararating nina Compton!

 

ni Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …