Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

11-anyos nene 8 beses ‘inararo’ ng magsasaka

111014 rapePITOGO, Quezon – Maagang napariwara ang puri ng isang 11-anyos batang babae makaraan paulit-ulit na pagsamantalahan ng isang magsasaka sa Brgy. Poblacion ng bayang ito.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Tessie, residente ng nasabing bayan.

Habang kinilala ang suspek na si Alexis delos Reyes Mojica, 25, naninirahan din sa nabanggit na bayan.

Sa ipinadalang report ng Pitogo PNP sa Camp Guillermo Nakar sa Lucena City sa tanggapan ni Senior Supt. Ronaldo Genaro, Ylagan Quezon PNP Provincial Director, dakong 8:30 a.m. kamakalawa nang magsadya sa himpilan ng pulisya ang biktima kasama ang kanyang ina para ireklamo ang kapitbahay nilang magsasaka sa ginawang walong beses na panggagahasa sa dalagita.

Ayon sa biktima, ginahasa siya ng suspek mula Nobyembre 1 hanggang Nobyembre 8.

Kamakalawa lamang nagawang ipagtapat ng biktima sa ina ang insidente sa pangambang totohanin ng suspek ang banta na siya ay papatayin.

Ang biktima ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng DSWD at nakatakdang isailalim sa medico legal examinition.

Habang inihahanda ng pulisya ang isasampang kasong rape in relation to RA 7610 (Child Abuse) laban sa suspek na ngayon ay detenido sa lock-up jail ng Pitogo PNP.

Raffy Sarnate

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …