DINUKOT ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang alkalde ng Paluan, Occidental Mindoro at administrator nito, Biyernes ng hapon.
Ayon kay SPO1 Nilo Poja, communications officer ng Occidental Mindoro Police, dakong 3:30 p.m. nang lusubin ng mga rebelde ang munisipyo ng Paluan.
Sinasabing nagbihis sundalo ang mga rebelde at nagpanggap na mag-iinspeksyon.
Dito aniya dinukot ng tinatayang 50 miyembro ng NPA si Paluan Mayor Carl Michael Pa-ngilinan at ang administrator na si Engr. Carl Yambao.
Ngunit ilang oras lang ang nakalipas, natagpuan din ang alkalde at ang administrator ma-lapit sa Calauagan River na iniwan ng tumakas na mga rebelde.
Isang pulis at isang sundalo ang namatay sa pag-atake ng NPA habang apat na pulis ang sugatan.
Patuloy ang follow-up operation ng mga awtoridad.