Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Katorse hinalay ng ama

101614 rape girl abusedLEGAZPI CITY – Nahaharap sa kasong rape at physical abuse and lascivious conduct ang isang padre de pamilya sa lalawigan ng Catanduanes makaraan pagsamantalahan ang kanyang sariling anak.

Kinilala ang suspek na si Pacifico “Pikoy” Samudio Manlagñit, 49, residente ng Brgy. Palnab del Sur, sa bayan ng Virac.

Sa pagsisiyasat, napag-alaman natutulog ang 14-anyos biktima katabi ang kanyang mga kapatid nang biglang gisingin ng kanyang lasing na ama saka pinagalitan at tinanong kung bakit natutulog na katabi ang kanyang bayaw.

Sinampal ng suspek ang dalagita at tinutukan ng disturnilyador sa dibdib saka hinubaran ng pang-ibabang suot at tiningnan ang maselang parte ng katawan.

Sinubukan ng kapatid ng biktima na sawayin ang ama ngunit na-nahimik na lamang makaraan suntukin ng suspek.

Pagkaraan ay kinaladkad ng suspek ang dalagita patungo sa isang kubo sa labas ng bahay at doon isinagawa ang panghahalay.

Kwento ng dalagita, pilit siyang hinalikan sa labi, leeg at dibdib sa kabila ng kanyang pakiusap at pag-iiyak. At tinakot siyang huwag magsusumbong.

Ngunit nagsumbong ang nakababata niyang kapatid sa kanilang ate na nakatira sa ‘di kalayuan sa kanilang bahay na siyang nagpaabot ng impormasyon sa kanilang ina at saka humingi ng tulong sa mga barangay tanod at pulis.

Agad tinungo ng mga awtoridad ang kubo at naabutan nila ang suspek na dali-daling isinasara ang zipper ng kanyang short at walang pang-itaas na damit habang ang dalagita ay natagpuan sa gitna ng taniman ng kamoteng kahoy na pinagtago ng kanyang ama.

Paliwanag ng suspek, binibigyan niya lamang ng payo ang kanyang anak ngunit nang tanungin kung bakit sa ganoong lugar at ganoong oras ay wala siyang naisagot.

Ayon kay Prosecutor I Donabel Breva-Bobier, malakas ang kaso laban sa suspek dahil malinaw na naisalaysay ng dalagita ang pang-aabusong ginawa sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …