Monday , November 18 2024

Airport police complainant vs Ka Julie Fabroa, lider ng paglalako ng sim/cell card sa T-1 ?!

091114 naia 20 loadnaiaKA JULIE passed away last October 21 (Tuesday) at about 6:45 a.m. Hindi na niya nalampasan ang matinding sakit at hirap ng loob na nilikha ni Airport Police Cpl. Ramos.

Teka nga muna, Mr. Clean ba talaga ‘tong si Airport Police Officer (APO) Cpl. Ramos?

Iyan ang dapat imbestigahan nina Major Melchor Delos Santos, ret. Sr. Supt. Torres at ret. Gen. Vicente Guerzon.

Sa impormasyon na nakarating sa atin, makapal umano ang mukha nitong si Cpl. Ramos?!

Napag-alaman natin na si Cpl. Ramos, ang sumita at naghain ng reklamo laban kay Ka Julie dahil sa pagbebenta ng SIM/cell call cards ay certified ‘tulak’ din ng sim/cell cards sa arrival area ng NAIA Terminal 1!

Maraming testigo ang lumutang over-the-weekend na nagsasabi at nagpapatunay na mas ‘garapal’ umano kung magbenta ng SIM/cell cards si Cpl. Ramos as if walang kinatatakutan na pwedeng sumita sa kaniya.

What the fact!?

Bukod rito, sinabi ng mga testigo na ilan sa kanila ay mga empleyado ng Bureau of Customs at service provider ng airport, na maging ang overseas Filipino workers (OFWs) na may connecting flights sa Visayas at Mindanao ay ‘tinitira’ rin ni Ramos.

Ang ginagawa umano ni Kabo Ramos, kapag nalaman niyang walang domestic plane ticket ang isang pasahero ay nagkukunwaring tutulungan at ituturo sa kasabwat na mga tauhan ng transport na nagmo-moonlighting as travel agency agent.

May naka-standby na service car malapit sa taxi queuing saka mabilis na isasakay patungong domestic road kung saan naroon ang tanggapan ng travel agency office. Saka doon ‘tatagain’ ang pobreng pasahero sa presyo ng ticket.

Napag-alaman na kumikita ng P1K hanggang P2K kada ulo ang sino mang magpapasa ng pasahero sa tulisang travel agency.

Ngayong wala ng kakompetensiya si Cpl. Ramos sa SIM/cell cards vending scheme at wala na rin kalaban sa ‘pamamalengke’ ng OFWs na walang plane ticket para sa connecting flights ay solong-solo na niya ang illegal activities sa Arrival Area ng NAIA T1.

Hindi ba’t asal animal ang ganyan!?

Ang tanong: Bakit si Cpl. Ramos ay namamayagpag sa ganitong gawain samantala on-duty at naka-uniporme siya habang nagtutulak ng kani-yang kalakal?

MIAA AGM-SES Gen. Guerzon at APD manager Gen. Jesus Descanzo, may mga CCTV sa Arrival Lobby ng NAIA T1 na sa palagay ko ay malaki ang maitutulong kung sakaling maisipan ninyong paimbestigahan rin ang activities ni Cpl. Ramos.

Naniniwala ako na hindi n’yo pinaiiral ang bata-bata system sa inyong departamento.

‘Yun lang po. Maraming salamat!

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *