Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Romnick, Boy isama sa panalangin

00 rekta

Isang insidente na naman ang nangyari sa huling karera nitong nagdaang Martes sa pista ng Sta. Ana Park na kung saan ay nadapa ang kabayong si Markus Wolf na pinatnubayan ni apprentice rider Romnick Bolivar. Ang pangyayaring iyan ay nangyari sa loob na mismo ng huling 100 metro ng laban na kung saan ay may mga tatlong kabayong layo sa unahan si Markus Wolf sa mga kasunod niya, iyon nga lang sa hindi inaasahang pangyayari ay biglaang natisod si kabayo at umikot kasama si Romnick.

Ayon sa impormasyon mula sa facebook account ni Romnick ay tanging ang kanang paa lamang niya ang nagkaroon ng bali, kaya inantabayan pa ang resulta kung semento o bakal ang ikakabit pansamantala sa napinsalang buto.

Sa lagay naman ng isa pang bago at batang hinete na si Leonardo “Boy” Cuadra Jr. ay dalawang beses na siyang naoperahan at walang anuman sa katawan ang napinsala, iyon nga lang ay tulog at walang-malay pa si Boy sanhi daw ng gamot ayon sa Malvar Hospital na pinagdalhan sa kanya. Kaya sa pagkakataong ito ay hangad ko ang inyong mga panalangin para kina Romnick at Boy, para sa kanilang kaligtasan at dagliang paggaling.

 

ni Fred L. Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …