Friday , November 22 2024

Miriam: Ebidensya vs Binay sapat na

00 bullseye batuigasSAPAT na umano ang ebidensyang nakalap ng Senate Blue Ribbon subcommittee laban ka Vice Pres. Jejomar Binay kaya puwede nang tapusin ang imbestigasyon at ipasa sa Ombudsman.

Ito ang pahayag ni Sen. Miriam Defensor-Santiago, dahil nagampanan na raw ng Senado ang misyon nito na ibunyag ang sinasabing “overpricing” sa pagpapatayo ng P2.7-bilyon Makati City Hall parking building at property sa Rosario, Batangas. Ang mga ebidensyang iprinisinta sa Senado ay matatanggap daw sa korte, ayon kay Santiago na dating hukom ng regional trial court.

Kabilang dito ang testimonya ng mamamahayag na si Raissa Robles, na tumestigo na inamin sa kanya ni Binay sa panayam noong 2010 na siya ang bumili ng lupain sa Batangas.

Ang inilagay sa Instagram ng bunsong anak ni Binay na si Joanna Marie ay puwede rin umanong ebidensya. Ipinakita ni Sen. Alan Peter Cayetano sa pagdinig ng Senado noong Oktubre 30 ang mga nai-post ni Joanna sa Instagram, kabilang na ang larawan nito sa pool ng lupaing tinaguriang “Hacienda Binay” na nakalagay ang mga salitang “our place in Batangas.”

Kinuwestyon ni Inday Miriam, na dati ring naupo bilang kalihim ng Agrarian Reform, kung nilabag ng property sa Batangas ang Comprehensive Agrarian Reform Law.

“It appears that Rosario, Batangas is agricultural in nature. If so, the town was covered by the agrarian reform program, and generally nobody there should own more than five hectares of land,” ani Santiago. Hindi kasama rito ang agricultural land na na-convert sa commercial land na maaaring rason ay “agri-tourism business,” kung may approval ng Dept. of Agrarian Reform.

Hindi ba’t ito nga ang ikinakatwiran ng damuhong negosyanteng pinaghihinalaang “dummy” ni Binay na si Antonio Tiu? Ang problema nga lang ay walang records sa DAR central office na nagpapakitang nai-convert ang naturang property. Sa files ng DAR ay 87 ektarya lang daw sa Rosario ang agricultural land na na-convert sa commercial land.

Malabo rin daw kung sino ang may-ari ng lupa. Ayon kay Tiu ay nabili niya ito kay Laureano Gregorio Jr. at ang pruweba niya ay ang isang pahinang memorandum of agreement nila. Wala raw records ang DAR na si Gregorio ay naging may-ari o farmer-beneficiary sa lugar,

Kung nagsisinungaling daw si Tiu na binili niya ang lupa sa pekeng owner ay mananagot ito.

Umiwas man ang matandang Binay sa Senate probe ay hindi niya mapipigilan ang pag-andar nito. Sa totoo lang, mga mare at pare ko, sinayang niya ang pagkakataon na ipaliwanag ang kanyang panig at sagutin ang mga akusasyon, para ipakita na wala siya talagang itinatago.

Manmanan!

***

SUMBONG: “Wala po ba magpapatigil ng bolahan ng sugal na ez-2 at loteng sa Valentina St. sa Paco? Ang kabo na operator ng sugal ay si Joel. Ipinagmamalaki niya na walang huhuli sa kanya dahil maraming taon na siyang namamayagpag. Pati mga bata nagugumon na sa sugal.

Wala naman pong ginagawa ang pulis ng station 6 na nakakasakop dito, lalo na ang hepe nila na si Supt. Fernando Opelanio. Lahat yata sila ay tinatapalan ng pera ng kabo na si Joel.”

Ilang ulit na ako nakatanggap ng reklamo sa pamamayagpag ng sugal diyan, Supt. Opelanio. Hulihin mo ang mga damuho at ipakita ma hindi natatapalan ng pera ang pulis nyo.

Aksyunan!

***

TEXT 0946-8012233 para sa inyong mga sumbong, puna at reklamo.

Ruther Batuigas

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *