Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga panalo, tampok sa GRR TNT

110814 grr

USAPANG panalo ang tampok ngayong Sabado sa lifestyle show ng GMA News TV na Gandang Ricky Reyes Toh (GRR TNT), 9:00-10:00 a.m. at produksiyon ng ScriptoVision.

Dahil semestral break na, irerekomenda ni Mader Ricky ang isang resort sa Antipolo na isang oras lang ang biyahe mula Maynila. Ayon sa beauty guru, “Maganda ang tanawin doon dahil makikita mo ang Metro Manila at Laguna de Bay. Masarap mag-bonding dito ang mga bakasyonistang estudyante kasama ang pamilya at mga kaibigan.”

Panahon na rin para lunasan ang pagnipis at pagkalugas ng buhok na nakakawala ng kompiyansa ‘di lang sa mga nagkakaedad kundi pati sa mga kabataan. Ipakikita ng dalubhasang hairdresser ng Gandang Ricky Reyes Salon kung paano kayo lalagyan ng “human hair wig” para malunasan ang inyong problema at magkaroon kayo ng feeling ng isang winner dahil mababalik ang inyong self confidence.

Kilala na ang mga Pinoy sa kantahan. Kamakaila’y naidagdag sa listahan ng mga kampeon si Morlissa Punzalan na ang mga magulang ay tubong Bataan. Si Morlissa ang nagwagi sa X Factor-Australia. Panauhin din sa show ang mga kababayang nagwagi sa WCOPA Koreaoke na maglalahad ng pinagdaanang karanasan para magapi ang mga kalabang mula sa iba-ibang bansa.

Sa larangan ng basketball ay usap-usapan ang pagwawagi ng koponan ng National University sa UAAP. Gumawa rin ng pangalan sa “water ski” ang estudyante ng NU na BJ On Ang.

Wow wagi! Ang galing ng Pinoy! Mabuhay ang Pinoy!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …