ni Pilar Mateo
MAY pagka-bad boy man ang karakter na binigyang buhay niya sa indie movie na Red ni direk Jay Abello, masaya naman si Jeriho Rosales na mapapanood from November 9-18 sa Fairview Terraces, Glorietta, Trinoma at Greenhills Dolby Atmos Theaters in celebration of Cinema 1 Originals’ 10th year.
Naikuwento nga ni Echo na more than the action scenes na matutunghayan sa pelikula, isang lovestory ang iikutan ng pelikilang ang tinutumbok ay ang paglaban nito sa sistemang matagal ng binulok ng lipunan.
At ang lovestory is between him and Mercedes Cabral na itinuturing na reyna ng indie! Na pagdating nga sa mga sexy at lovescene eh, hinahangaan din dahil dalang-dala nito ang pinaka-simple mang eksena niya.
“Pumapayag naman akong gumawa nito dahil naipaliliwanag naman sa akin ang kabuluhan niya in the movie. And with the central characters we’re portraying ‘yun ang kailangang ipakita. ‘Yun nga lang, e doing the lovescenes tawa kami ng tawa kasi nga ang daming matang nakatutok sa amin. Somewhat may ilang factor.
“Kim (his wife) has nothing to worry about. ‘Yun na ‘ata ang pinaka-supportive na misis sa balat ng lupa. Sinasabi ko naman sa kanya ang trabaho ko. So after those scenes, isa lang ang sasabihin niya. Umuwi ka agad at tayo naman ang mag-love scene. Kaya for us, out baby now is our relationship. The baby ‘baby’ will come into or life siguro in about three years pa. Kailangan mag-planning.”
And speaking of planning—ang bago niyang management na Cornerstone eh, agad na rin palang naghain ng five year planning for the actor na siya nitong nagustuhan which made him all the more excited.
“Family ko pa rin ang Genesis. Walang bad blood o away when I decided to be a part now of Cornerstone. Excited lang ako because all laid out na ang plans for acting and singing kaya I said I don’t think having a baby will happen that soon.”
The husband and wife loves to travel together—whether it be for work or pleasure. Kaya sa Pasko, malamang na ito raw ang gagawin nila.
“Wish? Noong bata ako, okay na ako when my Dad gave me a go kart for a gift. Kinakanta namin sa school ‘yung ‘Silver Bells’. Now, ‘am content in being able to do the things I want to do in life.”