Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

HR manager ng SM projects utas sa ambush

083014 deadPATAY ang isang 42-anyos human resources (HR) manager ng Monolith Construction and Development Corp., makaraan tambangan ng apat hindi nakikilalang mga suspek sa Panay Ave., Brgy. Paligsahan, Quezon City, Huwebes ng gabi.

Ang Monolith ang gumawa ng MOA Arena at iba pang project ng malalaking mall sa bansa.

Dakong 6 a.m. nang lapitan ang itim na Toyota Vios na minamaneho ni Menchu Gochingco ng mga suspek lulan ng dalawang motorsiklo, ayon sa mga residenteng nakakita.

Bumaba ang gunman saka pinagbabaril ang biktima. Naitakbo sa Capitol Medical Center si Gochingco ngunit binawian din ng buhay dakong 8:00 pm intensive care unit (ICU) ng ospital.

Nagba-backtracking na ang Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa naganap na ambush upang malaman ang motibo. May artist sketch na rin ang pulisya sa mga suspek.

May isa nang tinutunton ang Quezon City Police District para malaman kung sino ang pumatay sa biktima.

Jethro Sinocruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …