Thursday , December 26 2024

Desisyon ng SC sa DQ vs Erap iginiit (Grupo ng kabataan, abogado sanib-pwersa)

110814 erap dqNAGSANIB-pwersa ang grupo ng kabataan na Koalision ng Kabataan Kontra Kurapsyon (KKKK) at ng mga abogado o Hukuman ng Mamamayan Movement, Inc. (HMMI) sa panawagan na desisyonan na ng Korte Suprema ang disqualification case na isinampa laban sa napatalsik at convicted plunderer na si Manila Mayor Joseph Estrada.

Sa isang pulong balitaan sa Maynila, iginiit ni Ka Andoy Crispino Secretary General ng KKKK, napakahalaga sa kanilang kabataan ang pagpapasya ng Korte Suprema sa kaso ni Estrada.

“Tinitingala naming mga kabataan ang Korte Suprema, ilan sa amin ay nag-aaral pa ng pagka-abogado, maging mabuting halimbawa sana sila na walang kinikilingan o binibigyang pabor ang Korte Suprema. Dapat na silang magdesisyon sa kaso ni Erap kung talagang hindi sila nababayaran o nadidiktahan,” paghahamon ni Ka Andoy.

Dagdag ni Ka Andoy, ang protesta ng grupo ay tinawag nilang “eye patch justice” bilang simbolo na ang batas ay may piring ang isang mata habang ang isang mata ay nagbibigay pabor sa mga maimpluwensya at makapangyarihang tao sa lipunan. Taliwas din ito sa simbolo ng hustisya ng bansa na may piring ang dalawang mata habang may hawak na timbagan.

“Noong 2013 pa, bago mag-eleksyon nang isampa ang kaso, pero bakit kaya matatapos na ang 2014, e hindi pa rin sila nagdedesisyon? Nakapagtataka rin na nauna pa nilang madesisyonan ang mga isyu na pwedeng gamitin sa politika gaya ng Disbursement Acceleration Program o DAP at Priority Development Assistance Fund o PDAF. Pero bakit ang pagbibigay-linaw sa mga taga-Maynila ay tila tinutulugan?” saad ni Ka Andoy.

Hinamon ng KKKK si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na patunayan niyang tutol siya sa “Justice delayed, Justice denied!” sa pamamagitan ng agarang pagpapasya sa kaso ni Erap na naisampa sa kanila dalawang taon na ang nakalipas.

“Karapatan ng mga taga-Maynila na malaman na ang Mayor na nakaupo ngayon na si Erap ay walang dudang sinusuportahan ng batas para maging alkalde ng Lungsod,” giit ni Ka Andoy.

Habang iginiit ni Hukuman ng Mamamayan Movement, Inc. (HMMI) president Atty. BERTENI “TOTO” CATALUÑA CAUSING na conditional at hindi absolute pardon ang ibinigay kay Estrada na nagbubura ng lahat ng criminal records ng dating pangulo.

“To my mind, the pardon given to Erap is conditional and is not absolute that erased all criminal records and removed all punishments that prohibited him from running for an elective post or from getting appointed to any other government position,” ani Causing.

Paliwanag ni Causing, “conditions written on the pardon given by Gloria to Erap were premised on Erap’s commitment he will no longer seek any elective office.”

Iginiit ng abogado na nakalagay sa conditional pardon ni Estrada na tinatanggalan ng karapatan na muling mahalal o maupo sa ano mang posisyon sa pamahalaan.

“To be clear, let it be refreshed in the mind that in the first sentence of the pardon, it is stated there that Erap publicly declared he was no longer seeking any elective position and that Gloria wrote the phrase “IN VIEW THEREOF” she granted the pardon,” ani Causing.

Bong Son

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *